Malapit nang makalaya ang Pilipinas sa insurhensya, katulad ng nangyari sa Davao region.
Ito ang inihayag ni Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng insurgency-free Davao City.
Ayon sa bagong co-vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), patapos na ang giyera sa New People’s Army (NPA) at malapit nang mabuwag ang kilusang ito.
Inalala ni VP Sara ang panahon kung kailan nasa ilalim pa ng impluwensya ng NPA ang distrito ng Paquibato sa Davao City kung saan maraming mga bata ang hindi nakakapag-aral at nakakakuha ng sapat na nutrisyon.
Giit pa ng education secretary na ang edukasyon ay isang “powerful tool” para sa peace building at paglaban sa terorismo. —sa panulat ni Jam Tarrayo