dzme1530.ph

Gilas, magkakaroon ng tune-up game laban sa LG Sakers

Sasabak ang Gilas Pilipinas sa tune-up game kontra Changwon LG Sakers sa September 22 bilang paghahanda para sa Asian Games sa Hangzhou, China.

Dahil dito, inimbitahan ni interim Gilas coach Tim Cone ang Pinoy fans na manood ng naturang laro nang libre sa PhilSports Arena, sa Pasig City.

Ang tune-up game ay isa sa dalawang laban na kailangan pagdaanan ng pambansang koponan bago lumipad patungong Hangzhou para sa kanilang first game kontra Bahrain sa September 26.

Idinagdag ni Cone na handa na rin sila para sa isang closed-door tune-up laban naman sa isang team sa PBA. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author