dzme1530.ph

Gigi Reyes, laya na matapos katigan ng Korte Suprema

Nakalaya na sa Taguig City Jail ang dating Senate Chief of Staff ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Sa isang pahayag mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), nakalaya si Jessica Lucila “Gigi” Reyes mula sa Taguig City Jail Female Dormitory bandang 6:30 ng gabi, araw ng Huwebes.

Ito ay dahil kinatigan ng First Division ng Supreme Court sa kanilang resolusyon na may petsang Enero 17,  ang Petition for Habeas Corpus ni Reyes kung saan kinwestyon niya ang tagal ng kanyang pagkakakulong matapos siyang kasuhan ng Plunder noong 2014.

Si Enrile at ang kanyang mga kapwa akusado, kabilang si Reyes ay inakusan umano na nakaipon ng ₱ 172.8 milyong kickback mula 2004 hanggang 2010 sa pamamagitan ng mga Non-Government Organizations (NGO) na nauugnay sa dating negosyanteng si Janet Napoles.

Ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ay isang Public Fund na inililipat sa mga bogus na mga NGO na itinayo o pag-aari ni Napoles.

About The Author