dzme1530.ph

GIGI DE LANA, STABLE AT NAGPAPAHINGA MATAPOS MAG-COLLAPSE SA GIG SA SAMAL

Loading

Nag-alala ang fans ni Gigi de Lana at mga concertgoers makaraang mawalan ng malay ang singer sa isang gig, sa Samal, Davao del Norte.

 

Tiniyak naman ng kanyang management na Tritone Entertainment, na stable si Gigi at nagpapahinga sa ngayon.

 

Sinabi rin ng Tritone na pinili pa rin ni Gigi na mag-perform kahit masama ang pakiramdam at nasa ilalim ng extreme fatigue ng mga oras na iyon.

 

Kumalat sa social media ang videos ng singer ang pag-collapse ng singer pagkatapos mag-perform sa isang event sa Peñaplata Freedom Park sa Samal, Davao del Norte noong Sabado.

 

Ito na ang ikalawang beses na nag-alala ang fans ni Gigi, matapos mag-collapse din noong May 2023 pagkatapos ng kanyang performance sa isang event sa Ilocos Norte, makaraang masangkot sa car accident, kasama ang kanyang mga ka-banda. | via Lea Soriano-Rivera

About The Author