dzme1530.ph

Gigi De Lana, pansamantalang magpapahinga sa pagkanta

Magpapahinga muna ang OPM singer na si Gigi De Lana sa kanyang singing career matapos ma-diagnose na may throat nodules.

Ibinahagi ni Gigi ang kanyang medical condition nang mag-request siya sa mga fans na kumanta kasabay niya sa isang event.

Ayon kay Gigi, gusto niya na sabayan siya ng audience kahit pa daw hindi nila alam ang kanta, kahit kunwari lamang.

Aniya gusto lamang niyang marinig na kumanta ang fans dahil hindi niya alam kung mananatili pa rin sa ganun ang kanyang boses.

Pakiusap ni Gigi kinakailangan niyang magpahinga ng hanggang dalawang buwan sa pagkanta kung kaya’t hiniling niya sa mga tagahanga na ipagdasal ang kanyang fast recovery. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author