Pinuri ng Global Initiative for Fiscal Transparency (GIFT) Network ang Department of Budget and Management (DBM) dahil sa pagtataguyod ng fiscal transparency.
Sa International Monetary Fund Spring Meetings at 2nd Philippine Economic Briefing sa Washington DC, USA, inihayag ni GIFT Network Director Juan Pablo Guerrero na nananatili ang DBM bilang pangunahing ehemplo ng fiscal transparency sa Asya.
Sinabi pa ni Guerrero na consistent ang DBM sa pagkakaroon ng open budget sa kabila ng mga pagbagago sa gobyerno sa mga nagdaang taon.
Iginiit naman ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na ang transparency ang susi sa pagkakaroon ng public trust, at tiniyak nito ang pakikipagtulungan sa GIFT Network para hindi lamang maging ehemplo ang Pilipinas ng fiscal transparency sa Asya kundi sa buong mundo.
Ang GIFT ay isang global network na nagtataguyod ng dayalogo sa pagitan ng iba’t ibang gobyerno, civil society organizations, international financial institutions, at iba pang stakeholders para sa paghanap ng solusyon sa mga balakid sa fiscal transparency.
Una nang tiniyak ni Pangandaman ang pagsusulong ng freedom of information, habang pinangungunahan din nito ang Philippine Open Governmentt Partnership na nagsisilbing consultation platform sa pagitan ng gobyerno at mamamayang Pilipino. —sa ulat ni Harley Valbuena