dzme1530.ph

Gift giving at Coastal Clean-Up Drive isinagawa ng PCG, katuwang ang Japan at US Coast Guard

Nagsagawa ng Coastal Clean-Up Drive ang Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang mga tripulante ng Japan Coast Guard (JCG) vessel na Akitsushima (PLH-32) at U.S. Coast Guard (USCG) Cutter Stratton sa kahabaan ng Dolomite Beach sa Lungsod ng Maynila.

Ang marine environmental protection initiative ay bahagi ng isang linggong Kaagapay Trilateral Exercise 2023.

Matapos ang Coastal Clean-Up Drive ang mga tauhan ng PCG, JCG, at USCG ay tumuloy sa National Childrens Hospital sa Quezon City para sa isang aktibidad o gift giving ng mga regalo sa kabataan. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author