![]()
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang magiging isyu ng ghost substandard projects sa pagtutulungan ng Department of Education at Local Government Units para sa konstruksyon ng mga classrooms.
Sinabi ng Pangulo na hindi uubra ang kalokohan sa mga proyektong ito dahil mismong ang taumbayan na ang magbabantay.
Ibinabala ng Punong Ehekutibo na kapag hindi maayos ang trabaho sa mga proyekto ay araw-araw silang kakalampagin ng mga tao upang ayusin ang kanilang trabaho.
Iginiit naman ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na ang mga pahayag na ito ng pangulo ay dapat magsilbing babala sa mga lokal na opisyal.
Tiniyak ni Castro na target ng administrasyon na pabilisin ang mga proyekto upang matugunan ang kakulangan sa classrooms.
