dzme1530.ph

Germany, ipinangako ang pakikipagtulungan sa Pilipinas sa pagpapanatili ng international order

Makikipagtulungan ang Germany sa Pilipinas sa pagpapanatili ng international order.

Ito ang ipinangako ni German Ambassador to the Philippines Andreas Michael Pfaffernoschke sa pagharap kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa presentasyon ng credentials.

Sa seremonya sa Malakanyang ngayong Huwebes, nangako ang German envoy na sisikapin niyang palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa sa pagtataguyod ng international rule alinsunod sa United Nations Charter.

Matatandaang ang Germany ay kabilang sa mga bansang nagpaabot ng suporta sa Pilipinas sa harap ng mga agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea.

Samantala, nagkasundo rin ang Pilipinas at Germany sa pagpapatuloy ng kooperasyon sa climate change adaptation, at pagpapalalim ng people-to-people relations. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author