![]()
Inaresto ng PNP Aviation Security Group AVSEGROUP, sa koordinasyon ng Bureau of Customs (BOC), at NAIA-PDEA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, ang isang 77-anyos na pasaherong German national mataoos makuhanan ng illegal na droga nang dumating ito sa Ninoy Aquino international airport.
Sa initial report dumating ang pasahero mula sa South Africa, na may connecting flight papuntang Hong Kong.
Nakita ng BOC X-ray operator ang kahina-hinalang imahe sa loob ng isang itim na backpack sa regular baggage screening na nag-udyok sa mga awtoridad na ihatid ang pasahero sa Customs Controlled Room para sa karagdagang inspeksyon.
Sa isinagawang manu manong inspeksyon sa pasahero ay natuklasan ang siyam na improvised plastic pouch na nakabalot ng packaging tape at carbon plastic ang 8,145 gramo na hinihinalang shabu na may street value na aabot sa ₱55,386,000.00.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng NAIA-IADITG Operations Center ang naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensiya para sa dokumentasyon at medical examination bago ituturn-over sa PDEA Headquarters Detention Facility para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 4 (Importation of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act No. 9165.
