dzme1530.ph

GERALD ANDERSON, NAGBUKAS NG BAGONG RESORT SA ZAMBALES

Loading

Inanunsyo ni Gerald Anderson ang pagbubukas ng kanyang bagong tayong resort sa Zambales, na pangalawa na niya sa naturang probinsya.
 
Ipinasilip ng actor-businessman ang property sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, kung saan makikita ang progreso mula sa bakanteng lote hanggang sa maging furnished establishment na may hiwa-hiwalay na silid, lounge areas, at swimming pool.
 
Ipinakilala ni Gerald ang kanyang bagong resort bilang Trivera.
 
Una nang ikinuwento ng aktor ang kanyang latest business venture, kung saan pinasalamatan niya ang kanyang team na tumulong upang maisakatuparan niya ang proyekto kasabay ng acting career.
 
Bukod sa Trivera, pag-aari rin ni Gerald ang isa pang beach property na matatagpuan sa Botolan, Zambales.

About The Author