dzme1530.ph

“Gentlemen’s Agreement” ni FPRRD sa china, walang saysay —Kongresista

“Ilegal at walang saysay ang gentleman’s agreement” na pinasok umano ni former President Rodrigo Duterte sa China.

Iyan ang sinabi ni House Deputy Majority Leader Neptali “Boyet” Gonzales II, Chairman ng Special Committee on the West Philippine Sea kaugnay sa pagbabawal sa re-supply sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Gonzales, mismong si PBBM ay walang alam sa pag-kompromiso o pagsuko na ginawa kapalit ng soberanya ng Pilipinas sa exclusive economic zone.

Maging ang Department of Foreign Affairs at National Defense ay walang official record sa kasunduang ito, kaya hindi ito maituturing na executive agrement.

Dagdag pa ni Gonzales, dapat alam ni former President Duterte na ang kasunduan ay katumbas ng isang national policy na kailangang pagtibayin ng treaty at isusumite sa Senado para ratipikahan.

About The Author