dzme1530.ph

Gentleman’s agreement sa senate presidency, makabubuti para ‘di magkawatak-watak ang Senado

Loading

Mas makabubuti kung hindi na magkawatak-watak ang mga senador sa isyu ng senate leadership sa pagpasok ng 20th Congress.

Ito ang naging sagot ni Sen. JV Ejercito kung may posibilidad na ikunsidera na lamang na magkaroon ng gentleman’s agreement sa pagitan nina Senate President Francis “Chiz” Escudero at Senator-elect Vicente “Tito” Sotto III.

Sa Kapihan sa Senado, inamin ni Ejercito na nahihirapan siyang mamili sa pagitan ng dalawang posibleng maglaban sa pagiging lider ng Senado sa 20th Congress.

Ipinaliwanag ng senador na kapwa niya kapartido sina Sotto at Escudero na kapwa rin naman may magandang accomplishment at achievement sa kanilang leadership.

Pangunahing dapat ikonsidera aniya sa pagpili sa magiging lider ng Senado ay ang kayang pamunuan ang Senado sa gitna ng mga pagsubok na nararanasan ngayon.

Idinagdag pa ni Ejercito na magiging malaking bentahe rin sana kung isang abogado ang magiging presiding officer sa panahon ng impeachment trial.

About The Author