dzme1530.ph

Gen. Torre, hindi alintana ang ulan sa ensayo para sa charity boxing

Loading

Maagang tumakbo sa ulan si PNP Chief Gen. Nicolas Torre III bilang bahagi ng kanyang paghahanda para sa nalalapit na charity boxing match nila ni Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Sa video na ibinahagi ni PNP spokesperson BGen. Jean Fajardo, alas-6:20 ng umaga nang makita si Gen. Torre na tumatakbo sa oval ng Camp Crame. Ayon kay Fajardo, umabot sa 10 rounds ang tinakbo ng PNP chief.

Dagdag pa ni Fajardo, bahagi na ng daily routine ng PNP chief ang pag-eehersisyo tuwing umaga.

Matapos ang pagtakbo, agad umanong dumiretso si Gen. Torre sa isang meeting.

Matatandaang naglatag ng kundisyon si Duterte bago matuloy ang kanilang laban.

Sa ngayon, wala pang pahayag si Gen. Torre kaugnay sa kondisyong ito.

About The Author