Opisyal nang umupo sa pwesto si Army Gen. Romeo Brawner Jr. bilang ika-60 Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang Commander-in-Chief ang Change of Command Ceremony sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Kasama si Defense Sec. Gibo Teodoro, isinalin ng Pangulo ang liderato ng AFP kay Brawner, mula kay retired AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino.
Sa kanyang talumpati, inilatag ni Brawner ang kanyang mga plano bilang bagong AFP Chief, kabilang ang pagsusulong sa pagbabalik-loob ng mga rebelde, normalization process sa Bangsamoro region at pag-disarma sa former MILF fighters, at tuluyang pagpulbos sa communist terrorist groups.
Isusulong din nito ang cyberwarfare, habang tiniyak din nito na hindi niya isusuko ang kahit isang pulgadang teritoryo ng bansa.
Samantala, matapos bumaba sa pwesto ay manunungkulan na ngayon si Centino bilang Presidential Adviser on West Philippine Sea. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News