Bumagal sa 4.3% ang gross domestic product (GDP) o paglago ng ekonomiya ng bansa sa second quarter ng 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ay mas mababa kumpara sa 6.4% na naitala noong first quarter, at 7.5% na nai-ulat sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Dahil dito, aabot sa 5.5% ang year-to-date economic growth ng bansa.
Matatandaang sinabi ng National Economic and Development Authority na kailangang lumago sa 6.6% ang ekonomiya ng bansa sa second half ng taon para maabot ang target ng gobyerno na 6% hanggang 7% GDP. –sa panulat ni Airiam Sancho