dzme1530.ph

GDP ng bansa, bahagyang tumaas sa 5.5% sa Q2 2025

Loading

Bahagyang tumaas ang gross domestic product o GDP ng Pilipinas sa ikalawang quarter ng 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Naitala ang 5.5% growth mula sa 5.4% noong unang quarter ng taon.

Ayon sa PSA, nakatulong sa paglago ng ekonomiya ang lahat ng pangunahing sektor, kabilang ang agrikultura, forestry, industriya, at serbisyo.

Itinuturong pangunahing contributors sa paglagong ito ang wholesale and retail trade, motor vehicles and motorcycles, public administration and defense, social security, at financial and insurance activities.

Sa kabila ng bahagyang pagtaas, pasok pa rin ang GDP growth sa target ng pamahalaan na 5.5% hanggang 6.5% ngayong 2025.

About The Author