dzme1530.ph

Gastos ng mga testigo sa kaso ni FPRRD, sasagutin ng ICC

Loading

Nilinaw ng abogadong kumakatawan sa mga biktima sa kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court na hindi gobyerno ng Pilipinas ang sasagot sa gastos sa pagpapadala ng mga testigo sa The Hague, Netherlands.

Binigyang diin ni Kristina Conti, Assistant Legal Representative ng mga biktima sa ICC, na Korte ang gagastos para sa partisipasyon at proteksyon ng mga testigo na sangkot sa kaso.

Ginawa ni Conti ang paglilinaw kasunod ng nag-viral na posts sa social media na nagpapahiwatig na mga Pilipinong taxpayer ang babalikat sa umano’y “pagbabakasyon” ng mga biktima sa Europe bilang bahagi ng proceedings.

Tinawag din ng Abogado ang naturang posts na “misleading” at “offensive.”

Idinagdag ni Conti na ang pagiging testigo sa ICC ay hindi biro at hindi sila maituturing na bakasyonista dahil wala silang kalayaan sa kanilang schedules at limitado lamang ang kanilang mga galaw.

About The Author