dzme1530.ph

Garma, posibleng pakawalan na ng quadcom mula sa detention

Posibleng pakawalan na ng House Quad Committee si Retired Police Colonel Royina Garma mula sa detention sa pamamagitan ng pagbawi sa contempt order na inisyu laban sa dating opisyal noong Sept. 12.

Sinabi ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Lead Chairperson ng Quad Comm, na nakipag-cooperate naman si Garma at nangako ito na patuloy na tutulong sa imbestigasyon kahit malaya na ito mula sa Detention facility.

Matapos ma-cite in contempt dahil sa pag-iwas sa mga tanong ng mga mambabatas, ibinunyag ni Garma na inatasan siya ni noo’y Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng team para sa pagpapatupad ng nationwide drug war campaign na katulad sa Davao, kung saan tatanggap ng cash reward ang mga pulis na makapagpapatumba ng mga suspek.

Idinagdag ni Barbers na bagaman ang contempt order laban sa dating opisyal ay hanggang sa matapos ng lupon ang kanilang hearings at makapagsumite ng committee report sa plenaryo para sa approval, maaari aniya nilang bawiin ang naturang kautusan, anumang oras. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author