Pormal nang itinalaga bilang Minor basilica ang National Shrine of La Virgen Divina Pastora sa Gapan, Nueva Ecija.
Sa isang solemn mass na pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Arch-Bishop Charles John Brown ay ipinahayag ang kalatas mula kay Pope Francis na nagdedeklara sa National Shrine of La Virgen Divina Pastora bilang Minor Basilica.
Tampok sa Gapan Church ang imahen ng Divina Pastora na dinala sa Pilipinas noong seventeen hundred at naging instrumento sa pag-usbong ng panampalataya at debosyon sa bayan ng Gapan
Itinatag ng mga Paring Agustino noong 1589, ang Gapan Church ang pinaka-matandang simabahan sa lalawigan ng Nueva Ecija na sakop ng Diocese of Cabanatuan at ika-26 na Minor basilica sa Pilipinas.