Nanawagan ang grupong Gamers Coalition ng mas makabuluhang reporma sa electronic gaming industry, sa halip na tuluyang ipatigil ang legal na operasyon nito.
Ayon kay Jay Carizo, pinuno ng grupo, dapat labanan ang ilegal na sugal, hindi ang mga legal na electronic gaming platforms na may potensyal lumikha ng trabaho, magtaguyod ng innovation, at magdulot ng kaunlaran, basta’t isinasagawa ito nang may integridad at pananagutan.
Una na ring sinabi ng PAGCOR na ang tamang solusyon ay hindi ang pag-alis ng online gambling platforms, kundi ang pagpapatupad ng makatwiran at mahigpit na regulasyon.
Nagbabala ang grupo na ang sobrang paghihigpit ay maaaring magtulak sa industriya na mapunta sa “underground” operations, gaya ng karanasang naitala sa Netherlands, kung saan lumaganap ang illegal gambling sites matapos ipagbawal ang legal platforms.