Naghain ang Gabriela Party-list ng red-tagging and gender-based sexual harassment complaint sa Comelec laban sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sinabi ni Gabriela party-list first nominee Sarah Elago, na ang kanilang reklamo ay salig sa Comelec Resolution No. 11116 o Anti-Discriminatory and Fair Campaigning Guidelines para sa 2025 elections.
Tinukoy ni Elago ang bahagi ng NTF-ELCAC press release, kung saan nakasaad na naninindigan ang Task Force sa katotohanan at sinusuportahan ang mga nagbubunyag sa ugnayan ng Makabayan-affiliated groups, kabilang ang party-list ni Rep. Arlene Brosas sa karahasan ng CPP-NPA-NDF.
Inihayag ni Elago na isa lamang ito sa maraming “insuations” o mga pahiwatig na isinama nila sa reklamo.