dzme1530.ph

Gabriela, kinundena ang PH-Japan Reciprocal Access Agreement; Japan war atrocities hindi dapat kalimutan

Kinundena ng Gabriela Women’s Party ang Japan-Philippines Reciprocal Access Agreement (RAA) na opisyal na nilagdaan nitong Hulyo 08.

Ayon kay Representative Arlene Brosas, ang RAA na pasikretong ni-negotiate ay Visiting Forces Agreement kung saan pinapayagan ng pamahalaan ang Japanese Self-Defense Forces na makibahagi sa military exercises kagaya ng US-PH Balikatan.

Hindi aniya dapat kalimutan ang ‘historical context’ ng ganitong agreement dahil hindi pa lubos na nakababayad ang Japan sa war atrocities na ginawa nila lalo na ang pang-aabuso sa comfort women.

Hindi makatwiran ayon kay Brosas na papasukin muli sa bansa ang mga sundalong hapon ng para bang walang nangyari sa nakalipas na pananakop nito.

About The Author