dzme1530.ph

Gabinete sa Kamara: Linisin muna ang sariling hanay bago magturo ng sisi

Loading

Mariing tinutulan ng Gabinete ang umano’y “pambabaluktot” ng ilang miyembro ng Mababang Kapulungan na ibinabaling umano ang sisi sa ehekutibong sangay kaugnay ng mga isyu ng katiwalian at pagkukulang.

Binigyang-diin ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi kukunsintihin ng Gabinete ang anumang pag-atake sa integridad at reputasyon ng Ehekutibo, gayundin ang tangkang gawing hostage ang proseso ng pambansang budget dahil lamang sa political drama.

Ayon pa sa pahayag, mawawalan ng kabuluhan ang mga imbestigasyon sa mga iregularidad kung mananatiling hindi nasusuri ang mga pinagmumulan ng katiwalian.

Dahil dito, nanawagan ang Gabinete sa Mababang Kapulungan na tugunan ang panawagan ng taumbayan para sa ganap na pananagutan at “linisin muna ang kanilang hanay.”

About The Author