dzme1530.ph

Full-scale investigation sa pagtakas ni Alice Guo, tatapusin sa lalong madaling panahon

“As soon as feasible”

Ito ang tugon ng Malacañang nang tanungin kaugnay ng deadline sa full-scale investigation kaugnay ng pagtakas ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, tatapusin sa lalong madaling panahon ang imbestigasyong iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Una nang tiniyak ng Pangulo na ibubunyag at pananagutin ang mga tumulong para makalabas ng bansa si Guo.

Sinabi rin nito na ang pagtakas ng dating alkalde ang nagpapakita ng korapsyong sumisira sa justice system at sa tiwala ng publiko.

Bago ito ay nauna nang nag-utos ng imbestigasyon si Justice Sec. Boying Remulla. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author