dzme1530.ph

Full potential ng renewable energy sa sektor ng agrikultura, nais subukin ni Cong. Elizaldy Co

Loading

Sa harap ng problemang nakaamba dahil sa El Niño Phenomenon, nais ni AKO BICOL Party-List Rep. Elizaldy Co na subukin na ang full potential ng renewable energy lalo na sa sektor ng agrikultura.

Nabahala ang chairman ng committee on appropriations nang i-anunsyo ng PAGASA na nagsisimula na ang El Niño at tatagal hanggang first quarter ng 2024.

Isa sa pwedeng makatulong ay ang solar power na maaring gamitin sa water supply system.

Plano ngayon ni Co na makipag-ugnayan sa mga eksperto para sa paglalagay ng solar- powered irrigation and filtration system sa Bicol region na karamihan sa hanap buhay ay pagsasaka.

Naniniwala si Co na sa pagiging responsable at paggamit ng tamang teknolohiya, maiibsan ang negatibong epekto ng El Niño sa mga sakahan at kabuhayan ng bawat Pilipino. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author