dzme1530.ph

Full line operations ng LRT-2, naibalik na matapos maayos ang technical problem

Loading

Balik na sa full operations ang light rail transit line 2 (LRT-2), kasunod ng technical problem sa linya.

Sa social media, inihayag ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na operator ng LRT-2, na bago mag-tanghali kanina ay matagumpay na naayos ang problema sa rectifier substation.

Dahil dito, may biyahe na simula Recto Station hanggang sa Antipolo Station, at pabalik.

Samantala, sinabi rin ng LRTA na epektibo pa rin ang Libreng Sakay sa LRT-2 ngayong Miyerkules hanggang bukas, gaya ng naunang anunsyo.

Kaninang umaga ay nagpatupad ng degraded operations ang LRT-2, matapos magkaroon ng problema sa transformers no. 5 at 6, na matatagpuan sa Santolan at Anonas.

Ito ang dahilan kaya nilimitahan lamang ang biyahe ng tren sa pagitan ng Cubao at Recto Stations.

About The Author