dzme1530.ph

Full battle simulation, ikinakasa para sa 2025 Balikatan

Mistulang totoong giyera ang gagawin sa susunod sa Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Sa kanyang talumpati sa Closing Ceremony ng Balikatan 2024, sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na masusubok sa full battle simulation ang kapabilidad ng dalawang bansa sa pamamagitan ng “most realistic” scenarios.

Sa press conference pagkatapos ng seremonya, inilarawan ni Philippine Exercise Director Major General Marvin Licudine na mas kumplikado ang full battle test dahil kailangan nito ng mas mahusay na force integration.

Kahapon, Biyernes, ay opisyal na nagtapos ang Balikatan 2024, na pinakamalaking pag-uulit ng pagsasanay pagdating sa saklaw at pagiging kumplikado ng mga aktibidad.

About The Author