dzme1530.ph

Fugitive-pastor Apollo Quiboloy, nandito lang sa Pilipinas -Abalos

Naniniwala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na nasa Pilipinas pa rin ang Fugitive-leader ng Kingdom Of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy at mga kasama nito.

Sa Press briefing sa Camp Crame, tiniyak ng kalihim na lumiliit na ang lugar na ginagalawan ni Quiboloy at mga kasama nito dahil sa patuloy na pagkilos ng mga otoridad at sa tulong taumbayan.

Hindi naman inaalis ang posibilidad na maaring nasa ibang bansa na si Quiboloy ngunit naniniwala si Abalos na hindi pa nakakalabas ng bansa ang puganteng pastor.

Muli ring nanawagan si Abalos kay Quiboloy na sumuko na at harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya sa korte kabilang ang mga kasong Child and Sexual Abuse at Human Trafficking.

Una nang nag-alok ang mga pribadong indibidwal ng sampung milyong pisong pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Quiboloy habang tig-isang milyong piso naman ang patong sa ulo para sa lima nitong co-accused.

About The Author