![]()
Hindi idadaan sa mga politiko ang ipamamagahing “fuel subsidy” sa sektor ng transportasyon.
Yan ang matatag na pahayag ni LTFRB Board Member Atty. Greg Pua sa hearing ng House Committee on Ways and Means.
Una nito inusisa muna ni Manila Cong. Rolando Valeriano kung paano ibibigay sa mga tsuper at operator ang fuel subsidy.
Ayon kay Pua, deretso ang tulong sa mga lehitimong operators at drivers, dahil 2024 pa lamang ay may fuel subsidy cards na ang mga ito kung saan idinedeposito ang subsidiya.
Sakali naman at nawala o nasira ang card, o kaya wala pa talagang card, dapat silang makipag-ugnayan sa LTFRB.
Sangayon naman si Ways and Means Panel Chairman Miro Quimbo na hindi manghimasok ang mga politiko sa pamamahagi ng subsidiya, dahil ang nangyayari mas tumatagal ang proseso kaya mas mainam na rekta na ang subsidy.
