Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na makatatanggap ang mga magsasaka at mangingisda ng fuel assistance mula sa pamahalaan, sa harap ng malakihang oil price hike na ipinatupad ng pautay-utay ngayong linggo.
Pinawi ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ang pangamba ng agriculture industry hinggil sa posibleng epekto ng hidwaan ng Israel at Iran.
Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA), naglaan ang DA ng ₱150 million na halaga ng fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda.
Inihayag naman ni Agriculture Spokesperson, Assistant Secretary Arnel de Mesa na kapwa makatatanggap ang farmers at fishery sector ng tig-₱75 million na subsidiya, subject sa issuance ng certification mula sa Department of Energy.