![]()
Umabot na sa halos isang bilyong piso ang naipamahaging fuel subsidies ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga driver at operator ng public utility vehicles (PUV) sa buong bansa.
Sinabi ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza II na patuloy nilang pinag-iibayo ang distribution process para mas maging mabilis at mas episyente.
Aniya, target nilang makumpleto ang buong distribution process sa lalong madaling panahon.
Ipinaliwanag ni Mendoza na hindi maaaring patagalin pa ang distribusyon dahil patuloy na sumisipa ang presyo ng diesel at gasolina.
Tiniyak din ng LTFRB chief na nagkakaisa ang buong pamahalaan, hindi lamang sa pagre-release ng fuel subsidy sa pinakamabilis na paraan, kundi pati sa paghahanap ng iba pang paraan para matulungan ang PUV sector.
