![]()
“Prepared for the worst.”
Ito ang nais mangyari ni Energy Secretary Sharon Garin sa Pilipinas, sa pagsasabing hindi bale nang over prepared basta magiging maayos, fuel and power-wise, ang bansa.
Aminado si Garin na hindi niya alam kung hanggang kailan tatagal ang pagsirit ng oil prices.
Suportado ng kalihim ang pamamahagi ng fuel subsidies sa mga magsasaka, mangingisda at public transport drivers ngayong buwan, pati na ang pagtapyas sa fuel excise taxes sa Abril.
Paliwanag ni Garin, maaaring masyado nang huli kung sa Mayo pa magtatapyas ng excise taxes sa fuel matapos ang malakihang oil price increase ngayong linggo.
Kumpiyansa naman ang Energy chief na maaaring makakuha ang Pilipinas ng langis sa South Korea, Canada o Brazil subalit mas nakababahala aniya ang price increases.
Idinagdag ni Garin na ang iba pang sources ng fuel ay ang India at Australia.
