Umabot na sa ₱4.4 bilyon ang kabuuang halaga ng frozen assets na konektado sa mga indibidwal at kumpanyang iniimbestigahan kaugnay ng maanomalyang flood control projects, ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Ito’y matapos makakuha ang AMLC ng ika-limang freeze order mula sa Court of Appeals ngayong Miyerkules.
Saklaw ng bagong freeze order ang karagdagang bank accounts na may kaugnayan sa mga persons of interest, kabilang ang isang entity na umano’y ginamit ang lisensya para sa implementasyon ng mga ghost projects.
Sa kabuuan, na-freeze na ng appellate court ang 1,632 bank accounts, 54 insurance policies, 163 motor vehicles, 40 real properties, at 12 e-wallet accounts na pinaniniwalaang may koneksyon sa flood control anomalies.