![]()
Tinaya ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) Executive Director at Spokesperson Brian Hosaka na umabot na sa ₱5 bilyon ang halaga ng frozen accounts na may kaugnayan sa umano’y maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Hosaka, binubuo ito ng humigit-kumulang 2,800 frozen accounts.
Aniya, hindi pa masabi sa ngayon ang kabuuang halaga ng nais nilang bawiin dahil isa itong moving target.
Hanggang noong nakaraang linggo, na-secure ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang ika-anim na freeze order mula sa Court of Appeals para sa mga asset na may kinalaman sa mga indibidwal at kumpanyang sangkot sa imbestigasyon.
Inihayag ng ICI executive director na ang susunod nilang hakbang ay ang pagbawi sa mga asset, at mananatiling frozen ang accounts habang ongoing ang forfeiture case.
