dzme1530.ph

Free-Trade Agreement sa pagitan ng Pilipinas at EU, inaasahang maisasakatuparan bago matapos ang administrasyong Marcos!

Inaasahang maisasakatuparan ang Free-Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at European Union, bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Ayon sa Department of Trade and Industry, kapwa nagpabatid na ng interes ang Pilipinas at EU sa malayang kalakalan.

Kaugnay dito, tiniyak ni Trade Sec. Alfredo Pascual na gagawin nila ang lahat upang matapos ang lahat ng negosasyon sa FTA bago bumaba sa pwesto si Pangulong Marcos.

Sinabi naman ni Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo na hindi sila magsisimula sa wala dahil dati nang nagkaroon ng pag-uusap ang Pilipinas at EU kaugnay ng FTA.

Matatandaang sa pag-bisita ni EU Commission President Ursula Von Der Leyen sa bansa ay nagkasundo sila ni Pangulong Marcos sa pagtutulungan sa pagbuo ng bilateral free trade. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author