dzme1530.ph

Free public internet access program, nag-ooperate na sa 3,961 sites sa bansa

Patuloy na lumalawak ang mga lugar na saklaw ng free public internet access program ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Hanggang noong Abril, nag-ooperate na ang libreng internet access sa 3,961 operational sites sa 493 localities.

Target ng DICT na makapagdagdag ng 10,000 sites para sa free internet program sa 1,364 localities.

Ang programa ay bahagi ng National Broadband Plan sa ilalim ng National ICT Development Agenda 2023-2028, na tinalakay sa sectoral meeting sa Malakanyang ngayong araw ng Martes sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Samantala, pinag-usapan din ang digital transformation ng national government na layong pabilisin ang functions at mga transaksyon, at palakasin ang cybersecurity protection.

Naging paksa rin sa pulong ang estado ng cybersecurity ng bansa kabilang ang proposed National Cybersecurity Response Organization. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author