![]()
KUMPIYANSA si Senador Raffy Tulfo na matutuldukan na ang mga insidente ng umuuwing luhaan ang mga Overseas Filipino Workers dahil sa kawalan ng sapat na ipon matapos ang mahabang panahong pagtatrabaho sa ibayong dagat.
Ito, ayon kay Tulfo ay makaraang aprubahan na sa second reading ng Senado ang Senate Bill No. 1910 o “Free Financial Literacy Education for Overseas Filipino Workers and their Families
Sinabi ng principal sponsor at author ng panukala na layun nito na turuan ang mga OFW at kanilang pamilya paano magkaroon ng sapat na savings.
Saklaw nito ang mga OFW, land-based o sea-based, dokumentado man o hindi, gayundin ang ang kanilang pamilya o mga dependent.
Sa ilalim pa panukala, lahat ng OFW ay sasailalim sa mandatory at tuloy-tuloy na financial education o literacy training seminars na magiging bahagi na ng Pre-Departure Orientation Seminars (PDOS) para sa mga OFW na papaalis ng bansa.
Tuturuan din silang mag-impok, mamuhunan, mag-invest at iba pang paraan para alagaan, palaguin at protektahan ang kanilang pinaghirapang kita nang sa gayon ay hindi sila uuwing “empty-handed” kapag umuwi na sa bansa.
