dzme1530.ph

FREE ELECTRICITY FOR LOW-CONSUMPTION HOUSEHOLD BILL, ISINUSULONG NI CONG. SANDRO MARCOS

Loading

Bilang suporta sa programa ng kanyang ama, isinulong ni House Majority Floor Leader Sandro Marcos, ang House Bill No. 2700 o “Free Electricity for Low-Consumption Household Act.”

 

Ang panukala ay naglalayon na i-institutionalize ang ‘Direct Gov’t Subsidy’ sa electricity bills sa residential consumer.

 

Kapag ang isang residential consumer sa nagdaang tatlong buwan ay hindi lumampas alin man sa 135 kilowatt-hour, o ang monthly bill ay hindi lumagpas sa P2,000 at may sertipikasyon mula sa ERC at DoE ay pasok sa programang ito.

 

Paliwanag ng batang Marcos, bagamat ‘noble’ ang kasalukuyang sistema sa electricity subsidies sa ilalim ng lifeline rate sa indigent consumers at senior citizens discount……..

 

ipinatutupad ito sa paraan ng cross-subsidies kung saan ang ibang consumers ang umaako sa gastos.

 

Sa December 2024 study ng Phil Institute for Dev’t Studies, ang lifeline discounts ay magkaiba depende sa distribution utility (DU) dahil sa magkakaibang financial capabilities ng consumers.

 

Lumilitaw na ang cross-subsidies ng poor household sa low-income areas ay siya ring nagsa-subsidize sa ibang mahihirap na tahanan, bukod pa sa ang subsidized electricity ay sublect pa ng 12% VAT.

 

Sa HB No. 2700 ni Marcos, lahat eligible household na ang consumption ay hindi lalampas sa Monthly Consumption Threshold ay cover ng Direct Govt Subsidy at exempted na sa 12% VAT.

About The Author