Wala pang natatanggap ang France na official approval ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para buksan ang negosasyon para sa posibleng visiting forces agreement (VFA).
Kasunod ito ng pahayag ng Department of National Defense, na pumayag na si Pangulong Marcos na simulan ang VFA talks sa France.
Ayon kay French Ambassador Marie Fontanel, hindi pa sila opisyal na nasasabihan kaya hindi pa niya makumpirma na nagsimula na ang negosasyon.
Idinagdag ni Fontanel na kailangan muna nilang matanggap ang opisyal na pagpayag ng Pilipinas, bagaman sigurado aniya na maganda itong balita.
Inihayag ng Amabassador na nagsumite ang France ng kanilang draft para sa VFA noong Oktubre ng nakaraang taon.