dzme1530.ph

FRANCE, NAGHAHANDA SA PAG-ESCORT NG MGA BARKO SA STRAIT OF HORMUZ KAPAG KUMALMA NA ANG GIYERA

Loading

Inanunsyo ni French President Emmanuel Macron na naghahanda ang France at kanilang mga kaalyado para sa “purely defensive” mission.
 
Sa pamamagitan nito, isasagawa ang pag-escort ng mga barko na dadaan sa Strait of Hormuz, sa sandaling kumalma na ang “most intense phase” ng bakbakan ng US at Israel laban sa Iran.
 
Sinabi ni Macron na “purely escort mission” ang dapat paghandaan ng European at non-European countries.
 
Binigyang diin ng French President na layunin ng plano na ma-eskortan ang mga container ships at tankers habang unti-unting binubuksan ang Strait of Hormuz, pagkatapos ng kaguluhan.

About The Author