dzme1530.ph

FPRRD, target na ng ICC bago pa man maging presidente, ayon kay Juan Ponce Enrile

Loading

Naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na target na ng International Criminal Court (ICC) si dating pangulong Rodrigo Duterte bago pa man ito maging presidente.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Enrile na may alinlangan siya tungkol sa pagbabalik ng dating pangulo sa Pilipinas.

Aniya, ang rason ng kanyang pag-aalilangan ay ang libro na kanyang binabasa, kung saan karamihan ng pag-atake sa demokrasya ay mas banayad.

Idinagdag ni JPE na ang mga pamumuno nina Vladimir Putin, Victor Orban, Recep Tayyip Erdogan, Rodrigo Duterte, Jair Bolsomaro at Benjamin Netanyahu ay pagpapakita kung paano na ang isang lider na gumamit ng demokrasya, at naluklok sa kapangyarihan, ay ginamit ang kapangyarihan para pahinain ang demokrasya.

Nagtataka rin si Enrile kung bakit hindi ikinunsidera ng legal counsels ni Duterte ang contingency, maging ang paghahanda ng legal defense para sa dating punong ehekutibo.

About The Author