dzme1530.ph

FPRRD at VP Sara Duterte, dumalo sa prayer rally para kay Quiboloy

Naging mainit ang pagdalo ng dating pangulong Rodrigo Duterte at anak na si Vice President Sara Duterte at iba pang VIP suporters sa idinaos na prayer rally ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ na pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy.

Taliwas sa inaasahan, hindi nagtalumpati ang bise presidente at kasunod ng pagbuhos ay hindi ito nag patinag saka dumiretso sa loob ng tent na naka standby sa pinag darausan.

Alas-7:53 ng gabi nang dumating naman ang dating pangulong Duterte kasama sina Senador Bong Go, Senador Bato Dela Rosa at Senator Robin Padilla, Atty. Glen Chong, Atty. Panelo, Atty. Harry Roque, at dating General Manager Sandra Cam at iba pang personalidad, na nagpakita ng suporta kay Pastor Apollo Quiboloy at sa SMNI.

Bagaman tila nanghihina at mabagal na kumilos, kinaya pa rin ng dating pangulong Duterte na makaakyat sa ginawang stage para sa naturang prayer rally.

Sa kanyang talumpati, biniro niya ang crowd na ngayon lamang aniya niya nakita mula nang lisanin nito ang Malacañang.

Pakiusap niya sa mga dumalo sa prayer rally na huwag kalimutan ang nagaganap sa Liwasang Bonifacio dahil bahagi na ito ng kasaysayan.

Binanggit din ng dating pangulo ang ginawa ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. na binago ang Konstitusyon ng Pilipinas upang manatili ng matagal sa kapangyarihan.

At ngayon aniya ay may isa pang Marcos na nagtatangkang baguhin ang Saligang Batas, at pahabain ang kanilang termino ng pamilya Marcos.

Binalaan din nito ang publiko na wag mag papaloko ang Pilipino, at masisira ang Pilipino, na anya’y gusto ng pamilya Marcos ay presidential type republican government, na animo’y prime minister ang pangulo, at iba pa pasaring.

Samantala, inihayag din ng mga senador na nabangit ang pagtungo nila sa prayer rally ay pagpapakita ng suporta kay Pastor Quiboloy bilang kanilang kaíbigan.

About The Author