Bumisita sa Malakanyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at nakipagkita ito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ibinahagi ni Duterte kay Marcos ang kanilang napag-usapan ni Chinese President Xi Jinping sa pagpupulong nila sa China noong nakaraang buwan.
Bukod dito, pinag-usapan din ng dalawa ang iba pang isyu.
Sinabi pa ni PCO Sec. Cheloy Garafil na nagbigay si Duterte kay Marcos ng ilang magagandang payo.
Bukod sa Pangulo at kay Duterte, nandoroon din sina Senador Bong Go, former Executive Sec. Salvador Medialdea, current Executive Sec. Lucas Bersamin, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., Defense Sec. Gibo Teodoro, at Solicitor General Menardo Guevarra.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na detalye ang malakanyang kaugnay ng mga ispesipikong napag-usapan nina Marcos at Duterte. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News