Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si former National Tobacco Administration (NTA) Chief Robert Victor Seares Jr., bilang deputy administrator ng National Irrigation Administration.
Ito ay sa inilabas na bagong listahan ng appointees ng Presidential Communications Office ngayong araw ng Martes, Agosto 8.
Si Seares ay namuno sa NTA sa loob ng mahigit dalawang taon.
Samantala, pinangalanan din si Maria Lourdes Pancho bilang Provincial Trade and Industry officer ng Department of Trade and Industry.
Inappoint din si Robert Kiunisala bilang Director 1 ng Land Transportation Office, at Eric Mercado bilang Director II ng Department of Justice. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News