Binigyan ng executive clemency ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Former Iloilo City Mayor Jed Mabilog.
Kinumpirma ni Executive Sec. Lucas Bersamin na ginawaran ng clemency ang dating alkalde.
Mababatid na noong Setyembre ng nakaraang taon ay nagpiyansa na rin si Mabilog kaugnay ng kasong katiwaliang isinampa ng Ombudsman.
Si Mabilog ay nakasama sa narcolist ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kamakailan ay emosyonal din siyang humarap sa Quad Committee hearing ng Kamara hinggil sa imbestigasyon sa extrajudicial killings sa war on drugs ng Duterte Admin. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News