dzme1530.ph

Former First Lady Imelda Marcos, lalabas na ng ospital ngayong araw

Lalabas na ng ospital ngayong araw ng huwebes si Former First Lady Imelda Marcos.

Sa media interview sa Germany, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na wala nang lagnat ang kanyang ina.

Gusto na rin umano nitong umuwi at nagre-reklamo na ito sa pagkain sa ospital, habang marami na rin umano itong gustong puntahan.

Sinabi pa ni Marcos na nahihirapan ang dating unang ginang kapag wala itong ginagawa.

Kaugnay dito, maituturing umano itong magandang senyales at umaasa ang pangulo na kaagad niyang makikita ang kanyang ina pagka-uwi nito ng bansa mula sa working trip sa Germany at Czech Republic.

About The Author