Pinaalalahanan ni forensic pathologist Dr. Raquel Fortun ang mga awtoridad na ingatan ang mga narekober na sako at mga laman nito, sa gitna ng search operations para sa mga nawawalang sabungero sa Taal Lake.
Ginawa ni Fortun ang pahayag matapos niyang mapansin na isang sako ang binuksan at ikinalat ang laman nito sa lupa.
Inamin ni Fortun na dismayado siya sa unang litrato na inilabas, dahil kataka-takang malinis ang sako gayung nanggaling ito sa tubig.
Idinagdag ng eksperto na dapat ay ineksamin munang mabuti ang sako pati na ang laman nito dahil ikinokonsidera ang mga ito na ebidensya.
Binigyang-diin ni Fortun na ang pag-eeksamin sa mga laman ng mga sako ay dapat systemic at scientific.