dzme1530.ph

Foreign trips ng Pangulo, malaki ang ambag sa ekonomiya ng bansa —PEZA; Maaasahang regulatory policies, ipinanawagan!

Matagumpay ang naging huling biyahe ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos nitong makapag-uwi ng halos kalahati ng kabuuang investment na inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) noong 2023.

Ayon kay Director General Tereso “Theo” Panga, naging “very effective” at instrumental ang foreign trips ni PBBM na nakaakit ng mga pamumuhunan.

Sinabi ng PEZA Chief na nasa 43% ang naiambag ng presidential visits sa P75 bilyon mula sa P175.7 bilyon na investments na kanilang inaprubahan.

Gayunman, maaari aniyang mapakinabangan ang ganitong investments kung may maayos na polisiyang nakasuporta rito.

Mababatid na nilagdaan ni Marcos ang Administrative Order (AO) 11 noong 2023, na nag-amyenda sa AO 18 na inilabas noong 2019, na nagpapataw ng moratorium sa pagproseso at pagsusuri ng mga aplikasyon para sa pagtatatag ng mga special economic zone sa Metro Manila.

Para sa PEZA Chief, posibleng limitahan ng moratorium ang mga bagong investor na isa ring dahilan ng mabagal na pag-unlad ng bansa.

Ani pa ni Panga, maging ang IT Industry ay nananawagan na alisin ang moratorium at hinimok ang pamahalaan na ipatupad ang CREATE law na nagpapahintulot sa pagtatatag ng IT Parks sa metro Manila.

“If we want to sustain the IT-BPM sector’s bullish growth forecast for the next four years–with its annual target of 10% increase in exports and 200,000 incremental jobs–we need to provide ready locations for new and expanding IT locators,” –PEZA chief.

“Should the CREATE law be properly implemented in NCR, it will support as well the call of other local government units (LGU) in Metro Manila that were deprived by the said moratorium to host IT parks and locator companies within their jurisdiction,” paliwanag ng PEZA chief.

“This is why we find it truly necessary to ensure that we have sound regulatory policies in place, maximizing the potential of every new partnership coming our way,” ayon pa sa PEZA chief.

About The Author