dzme1530.ph

Foreign reserves ng Pilipinas, pumalo sa 11-month high noong Setyembre          

Loading

Umakyat ang gross international reserves (GIR) ng Pilipinas sa 11-month high noong Setyembre, batay sa preliminary data na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa central bank, bunsod ito ng tumaas na global gold prices at income mula sa investments ng BSP.

Batay sa datos, umabot sa 108.805 billion dollars ang GIR, o ang sukat ng kakayahan ng bansa na makabayad ng import at service foreign debt.

Mas mataas ito kumpara sa 107.097 billion dollars noong Agosto, subalit mas mababa sa 112.706 billion dollars noong Setyembre 2024.

Ang latest figure ay pinakamataas din sa loob ng labing-isang buwan, o simula noong Oktubre 2024, kung kailan naitala sa 111.083 billion dollars ang GIR.

About The Author